Benjie Paras, proud maging “Superhero” ng kaniyang mga anak

Proud na sinabi ni Benjie Paras na masaya siya na maging “Superhero” ng kaniyang mga anak.

Ayon kay Benjie, kahit araw-araw niyang inihahatid-sundo ang maliliit niyang mga anak noong pasukan ay hindi siya napapagod.

Ito kasi aniya ang oras na nakakasama at nakakapagkwentuhan sila kaya mas lalong lumalalim ang kanilang relasyon.


Say pa ni Benjie, dahil morning person siya, gustong-gusto niya na siya na mismo ang magbibihis sa mga ito.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa maykapal dahil binigyan siya ng mga sweet na mga anak na lagi siyang tinutumbasan ng pagmamahal.

Facebook Comments