2 Taong Gulang na Bata, Patay matapos Malunod sa Creek

34

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang dead on arrival ang dalawang (2) taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa isang creek sa Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela bandang 1:30 ng hapon kamakalawa.


Kinilala ang biktima na si Ian Xander Prado na residente sa nasabing lugar.

Batay sa naging imbestigasyon ng PNP San Isidro, sakay ang biktima ng isang ‘remote controlled motorbike’ malapit sa isang creek nang biglang nawala ang bata sa nasabing laruang motorsiklo.

Agad namang hinanap ng tiyahin ang biktima ngunit nakita na lamang nito ang palutang lutang na tsinelas at agad namang humingi ng tulong pero makaraan ang tatlumpung minuto ay narekober ang katawan ng biktima na agad isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Facebook Comments