2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureu, arestado matapos hindi mag-remit ng pera

80

Inaresto ng Special Mayor’s Reaction Team (MPD–S.Ma.R.T) ang dalawang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureu matapos na hindi makapag-remit ng pera.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rogelio Rarogal at Divino Binza, kapwa parking attendant.


Nabatid na mismong sa loob ng opisina ng MTPB inaresto ang dalawa dahil sa hindi nila naibigay ang P5, 000 kitlnita sa Parking Fee sa may bahagi ng San Nicolas Street sa Binondo, Manila.

Noong una, ignigiit ng dalawa na naibigay na nila ang pera pero nang tignan ang records at kuha sa CCTV ay dito na sila umamon na nagastos nila ang kinita sa halos dalawang araw na pagbabantay sa parking space sa Binondo.

Facebook Comments