2 time NBA all-star Stephon Marbury, umaasa na makakabalik sa NBA

NBA – Umaasa si 2 time NBA all-star Stephon Marbury na makakabalik siya sa nba para dito na tapusin ang kanyang career.

Kasalukuyang naglalaro ang 40-year-old point guard sa Chinese Basketball Association sa koponan ng Beijing Fly Dragons kung saan tinagurian siyang CBA foreign MVP noong 2013 at finals MVP naman noong 2015.

Nauna nang sinabi ng beterano ang pagbabalak niyang bumalik sa NBA sa kanyang instagram post.


Facebook Comments