2 Top Most Wanted Persons sa Isabela, Naaresto

54

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang Top most wanted persons sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga kasapi ng San Pablo Police Station sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng isang hukom mula sa Cabagan, Isabela ang itinuturing na Top 2 Most wanted person sa Isabela na kinilalang si Joshua Fugaban, nasa hustong gulang, walang asawa at residente ng brgy Brgy. Bungad, San Pablo, Isabela.


Nahaharap sa kasong rape o panggagahasa si Fugaban kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sumunod na nadakip ang Top 1 most wanted sa Isabela na si Marco Dela Cruz, 19 taong gulang, binata, construction worker at residente naman ng brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Dinakip ng mga elemento ng PNP San Manuel si Dela Cruz sa bisa ng mandamiento de aresto dahil rin sa kasong rape by sexual assault.

Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang dalawang nahuli para sa kanilang tamang disposisyon.



Facebook Comments