‘Laughter is the Best Magazine Show’ team, muling naghatid ng premyo sa winners ng ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’

Sinugod muli ng team ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ang mga bagong nanalo sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo.

Ito ay para personal na ihatid sa kanilang tahanan ang napanalunan nilang libreng prepaid home Wi-Fi.

Unang pinuntahan ng LBMS team ang isa sa mga masusugid na taga-pakinig ng DZXL 558 na si Ma. Theresa Cruz ng Barangay Ugong, Pasig city.


Ayon kay Cruz, halos araw-araw siyang nakikinig sa mga programa ng Radyo Trabaho dahil dito siya nalilibang.

Samantala, susunod namang susugurin ng LBMS team sina Jeneca Beldia ng Binondo, Manila; Federex Potolin ng Ermita, Manila at Marious Tanquion ng Sampaloc, Manila para ihatid sa kanilang bahay ang kanilang mga premyo.

Facebook Comments