2 tricycle driver na nag-away sa kalye sa Ilocos, nagkabati nang malamang magkumpare pala sila

1732
(Courtesy: Ian Lexus Vidad)

Nagkabati rin ang dalawang tricycle driver na nag-away kamakailan lang sa paradahan sa isang kalye sa Laoag, Ilocos Norte.

Nakuhanan sa video ang girian ng dalawa habang nasa gilid ng kalsada.


Unang sumugod ang lalaking nakadilaw at aambahan ang isang driver na nakatayo sa tapat ng kanyang tricycle.

Maya-maya pa, makikitang ipinaandar ng lalaking nakadilaw ang kanyang sasakyan patungo sa driver na nakagirian hanggang sa itulak nito ang umaandar na tricycle.

Natumba ang lalaking nakadilaw saka nakakuha ng suntok mula sa naturang driver.

Patuloy ang upakan ng dalawa hanggang sa rumesponde ang traffic enforcers para awatin ang mga ito.

Nang maidala sa presinto, napag-alaman na unahan sa paradahan ang dahilan ng away.




At ayon sa Laoag City Police, nagkasundo rin daw ang dalawa nang madiskubreng magkumpare pala sila.

Hindi lang daw nila nakilala ang isa’t isa dahil sa suot na face mask.

 

Facebook Comments