Mag-asawa na Sakay ng Nahulog na Ambulansya, Pumanaw na

1896

Cauayan City, Isabela- Binawian na ng buhay ang mag-asawang sakay ng ambulansya matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan bandang 7:15 ng gabi nitong linggo (May, 24, 2020) sa Sitio Assao, Barangay Bitag Grande, Baggao Cagayan.

Nakilala ang mag-asawa na sina Violet Dumayag, 50 anyos at Alvaro Dumayag (patient), 52 anyos, kapwa residente ng Barangay Hacienda-Intal, Baggao, Cagayan.


Ayon sa Baggao Police Station, nagkaroon ng matinding tama sa ulo ang mag-asawa na dahilan ng pagkamatay nito.

Matatandaan na isinugod sa ospital ang mister ni Violet dahil sa tangkang pagpapakamatay nito matapos uminom ng varnish.

Una nang napaulat na pinagbigyan ng drayber ng ambulansya ang isang patawid na pedestrian dahil sa madulas na daan hanggang sa hindi na nito nakontrol ang manibela na agad na nahulog sa bangin na tinatayang nasa 10 talampakan ang lalim.

Facebook Comments