2 Tricycle Driver, Nauwi sa tagaan ang Pag-iinuman gamit ang Samurai

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang kapwa tricycle driver matapos magtagaan habang nag-iinuman pasado 1:00 ng hapon kahapon sa mismong bahay ng biktima.

Kinilala ang biktima na si Rhomel Bangayan, 35-anyos habang ang suspek na si Rexy Zinampan, 43-anyos kapwa residente ng Bassig Street, Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng biktima ng magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa tagaan gamit ang isang samurai na pag-aari ng biktima at isang ‘Rambo’ knife na pagmamay-ari ng suspek.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa na agad isinugod sa pagamutan habang kinumpiska ang mga patalim na ginamit sa insidente.

Patuloy naman na inaalam ng pulisya kung ano ang sanhi ng nangyaring tagaan.

Facebook Comments