BuCor Chief Gerald Bantag, pinayuhang mag-leave of absence

Pinayuhan ni Senator Richard Gordon si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director Gerald Bantag na pansamantalang magbakasyon muna sa trabaho habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng high-profile inmates sa New Bilibid Prison dahil sa COVID-19.

Sabi ni Gordon, dapat itong gawin ni Bantag kapag naisumite na niya sa Department of Justice (DOJ) ang report hinggil sa kontrobersiya.

Diin ni Gordon, malaking kasalanan at paglabag sa COVID protocol ang hindi nito agad pag-report kay Justice Secretary Menardo Guevarra at sa Department of Health (DOH).


Para kay Gordon, sapat itong basehan para sibakin si Bantag pero yan ay nakasalalay sa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga kay Bantag.

Ayon kay Gordon, kung aalisin si Bantag, ay makabubuting palitan ito ng taong may alam sa Penal Laws at marunong magpatakbo ng malaking bilangguan.

Facebook Comments