2 Tulak ng Droga, Huli sa Buy-bust Operation ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang katao sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cagayan at Isabela kahapon, Marso 3, 2020.

Ang mga naaresto ay sina Jun Tollo, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Cullit, Camalaniugan, Cagayan at si Susan Mercado, 55 anyos, walang asawa at isang fish vendor na residente ng Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, pasado 5:45 kahapon ng maaresto si Tollo matapos makumpiskahan ng dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.


Samantala, ganap na 10:00 ng gabi ay naaresto naman ng Roxas Police Station si Mercado sa ikinasang drug buy-bust operation.

Narekober sa pag iingat ni Mercado ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu, P500.00peso bill, P500.00peso bill bilang boodle money at isang cellphone.

Napag alaman na dati ng nakulong si Mercado at nakalaya lamang sa pre-bargaining sa korte.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments