2 Tulak ng Droga, Huli sa Buy-bust Operation

72

Cauayan City, Isabela- Timbog ang dalawang katao sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon (June 1, 2020) matapos ang ikinasang drug buy-bust sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang suspek na sina Conrado Gregorio Llenado alyas β€˜GREG’, 33-anyos, isang helper at tubong Tuguegarao City at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.


Dinakip si Llenado sa harapan ng billiard house malapit sa pampublikong palengke ng siyudad matapos positibong mapagbentahan ng suspek ng hinihinalang shabu ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Samantala, inaresto naman ng PNP Gattaran si Jessie Burgos, 26-anyos, isang laborer at residente ng Brgy. Bagunot, Baggao, Cagayan.

Positibong napagbentahan ng suspek ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang operatiba kapalit ang P500 na buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments