Babae, tinodas umano ng kinakasama; bangkay, itinago sa tangke ng tubig

427

Tadtad ng saksak nang matagpuan ang isang 29-anyos na babae sa loob ng tangke ng tubig sa isang ricemill sa Magarao, Camarines Sur, noong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Lorena Casitas Carinan, residente ng Zone 5 San Francisco, ngunit tubong Malinao, Albay, habang inaresto ang kinakasama nitong si Salvador Balderama Asaja Jr., 28.


Ayon sa ulat, bandang alas-4 ng hapon nang madiskubre ng ilang residente ang bangkay ng biktima, na nagtamo ng 13 saksak, sa konkretong tangke ng tubig.

Pinaghahanap agad ng awtoridad si Asaja na napag-alamang dalawang beses nang inireklamo ng biktima ng pambubugbog.

Aminado ang suspek na sinasaktan si Carinan sa loob ng walong taong pagsasama, ngunit itinanggi na siya ang pumatay rito.

Facebook Comments