2 Tulak ng Droga, Timbog sa Buy-Bust Operation

106

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang dalawang katao sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad matapos ang ikinasang drug buy-bust sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na si Hermogeno Macababbad, 35 anyos, may asawa, isang helper at residente ng Brgy. Linao East at Egimar Cabalza, 31 anyos, private employee, at residente ng Brgy. Calaokan, Solana.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, naaktuhan si Macababbad na nagbebenta ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu sa isang nagpanggap na poseur buyer habang nakumpiska sa pag iingat nito ang lima (5) pang pakete ng shabu.

Samantala, naaktuhan din si Cabelza na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang operatiba habang nakumpiska pa dito ang pitong (7) sachet ng shabu, buy-bust money.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments