2 TULAK NG SHABU, NASAKOTE NG KAPULISAN SA CAUAYAN CITY

Cauayan City – Nasakote ng mga kapulisan ang 2 lalaking tulak ng ilegal na droga sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, ang dalawang tulak ay kinilalang si alyas “Laos”, 43-anyos, at alyas “Rick”, 56-anyos, parehong residente ng Villa Paraiso, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Naaresto ang mga suspek matapos mabenta ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 5grams at tinatayang nagkakahalaga ng P34,000 sa pulis na nagpanggap na buyer.


Maliban dito, nakumpiska rin sa pag-iingat ng mga suspek ang 4 na pirasong plastic sachet na naglalaman ng parehong kontrabando na may bigat na 17grams at nagkakahalaga ng P115,600, at iba pang non-drug items.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments