
Sa monitoring ng Philippine Navy, nasa kabuuang 49 na mga barko ng China ang namataan sa apat na maritime features sa West Philippine Sea nitong March 15-22, nakaraang Linggo.
Kung saan mayroong 9 na People’s Liberation Army (PLA) Navy Ships at 19 Chinese Coast Guards (CCG) ang namataan sa Bajo de Masinloc.
Samantala, sa Ayungin Shoal 3 PLA Navy at 5 na CCGs naman ang namataan, sa Escoda Shoal namataan naman ang 3 PLA Navy at 2 Chinese Coast Guard.
At sa Pagasa Island, 1 PLA Navy at 7 Chinese Coast Guard ang namataan.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










