
Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang babaeng Vietnamese nationals na nagpanggap na mga doktor.
Kinilala ni CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III, ang mga naarestong suspek na sina Linh at Phoung, Vietnamese nationals na umaaktong mga cosmetic surgeon sa Bliss Beauty na matatagpuan sa kahabaan ng Don Roces Avenue sa Quezon City.
Ang mga suspek ay nagsasagawa ng breast at butt augmentation sa kanilang mga kliyente.
Sa ikinasang entrapment operation, walang maipakitang permit at lisensya ang mga bogus na doktor.
Nakakuha din ang mga tauhan ng CIDG ang ibat-ibang klase ng prescription drugs, ilang medical supplies na aabot sa ₱500,000 ang halaga.
Sa ngayon nakapiit na ang mga suspek sa Quezon City Police District (QCPD) detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 2382 o medical malpractice act.