2 Vietnamese nationals, arestado matapos kidnapin ang kanilang kababayan

Naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang 2 Vietnamese nationals matapos dukutin ang kapwa nila Vietnamese.

Kinilala ang mga naaresto na sina Minh Viet Phan, 29, at Chi Trung Nguyen, 27.

Nasakote ang 2 banyaga ng mga operatiba ng PNP-AKG habang nasagip naman ang kidnap victim sa Antipolo.


Sa inisyal na report, huling nakita ang biktima sa isang restaurant sa Antipolo nuong October 29 sa kapareho ring araw, nakatanggap ng text at video message ang boyfriend ng biktima kung saan pinakita rito ang kanyang girlfriend na ginugulpi at nanghihingi ng ₱50-M ang mga kidnaper bilang ransom.

Sa negosasyon naibaba sa ₱1-M ang ransom kung saan idineposito ito sa sa isang US dollar account.

Nitong November 16 na-rescue ang biktima at agad namang nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad dahilan para maaresto ang mga suspek.

Sa ngayon, hawak na ang 2 ng PNP-AKG at nahaharap sa kasong Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention.

Facebook Comments