House Senior Deputy Speaker GMA, ikinatuwa na itinuturing siyang secret weapon ni PBBM sa katatapos na 29th APEC Summit

69

Ikinalugod ni dating Pangulo at House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos na siya ang kanyang “secret weapon” nang dumalo sa katatapos na 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Diin ni Arroyo, isang karangalan para sa kanya na makatulong at sabay ang paglilinaw na hindi naman siya nagbibigay ng unsolicited advice kung hindi siya hihingan ng payo.

Kaugnay nito ay tinawag naman ni House Speaker Martin Romualdez na “big asset” ni Pangulong Marcos si Congresswoman Arroyo sa APEC Summit.


Facebook Comments