2 Wanted sa Batas, Magkasunod na Naaresto sa Isabela!

140

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang dalawang wanted sa batas matapos na maaresto sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang nahuli si Raffy Ramos, 42 anyos, may-asawa, karpintero at residente ng Brgy. Alinguigan 2nd, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Slight Physical Injuries na naitala noong March 19, 2013.

Nasa halagang Php2,000.00 lamang ang inirekomendang piyansa ng korte para pansamantalang kalayaan ni Ramos.

Samantala, nadakip rin sa Brgy. Alinguigan 2nd sa Lungsod ng Ilagan ng mga elemento ng Ilagan City Police Station ang isang lalaki na wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Damage to Property.

Ang akusado ay nakilalang si Rhayan Cabalonga, 35 anyos, may asawa, residente naman ng nabanggit na barangay at pansamantalang makakalaya sa kulungan kung makakapaglagak ng piyansang Php2,500.00.

Facebook Comments