Lalaki sa Negros Oriental, sawi matapos magulungan ng truck

132

Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng truck sa kalye ng Barangay South Poblacion sa Jimalalud, Negros Oriental.


Sa report ng Jimalalud police, may dalawang truck na nagmamaneho noon sa kahabaan ng naturang highway kasabay ng 53-anyos na si Ramel Lopreco sakay ng kanyang motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkasalubong ang dalawang truck at ang motorsiklo ni Lopreco nang bigla raw itong pumanig sa lane ng malalaking sasakyan.

Dito na umano bumangga ang motor ng biktima sa kaliwang gulong ng isa sa mga truck.

Tuluyan itong nagulungan ng nakasunod na truck na agad nitong ikinasawi.

Samantala, na-detain naman ang sumukong driver matapos humarap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments