Manila, Philippines – Dalawampung bagong batas ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte
Isinapubliko ito ng Malacañang ilang araw pagkatapos mapirmahan sa Pangulo.
Kabilang sa mga nilagdaang batas:
1. Republic Act 11201 – Na siyang magtatatag ng Department of Human Settlements and Urban Development na layuning magbigay ng safe at affordable housing sa mga kapos palad o walang tirahan.
2. Republic Act 11215 – National Integrated Cancer Control Act na layuning palakasin ang mga programa para sa treatment, response care, pain management at effective survivorship care sa sakit na cancer.
3. Republic Act 11202 – Mobile Number Portability Act kung saan magiging lifetime na ang mobile phone number ng isang user at may kalayaang pumili ng gusto nitong network.
4. Republic Act 11188 – Magbibigay ng special protection sa mga bata sa oras ng armed conflict.
5. Republic Act 11206 – Bubuo ng career guidance at counselling program sa lahat ng secondary schools.
6. Republic Act 11214 – Pagtatayo ng sports complex o kikilalaning Philippine Sports Training Center.
7. Republic Act 11218 – Batas na kumikilala sa British School of Manila bilang international education institution.
8. Republic Act 11189 – Batas na layong dagdagan ang bed capacity ng St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu city.
9. Republic Act 11208 – Batas na layong dagdagan ang bed capacity ng Rizal Medical Center sa Pasig City.
10. Republic Act 11219 – Pinapalawig nito sa loob ng 25 taon ang prangkisa ng Iglesia ni Cristo (INC) para makapag-operate ng private telecommunication service sa bansa.
11. Republic Act 11212 – Nagbibigay ng prangkisa sa more electric and power corporation para makapag-operate at panatilihin ang distribution system ng kuryente sa Iloilo City.
12. Republic Act 11193 – Nagbibigay ng prangkisa sa Malindang Broadcasting Network Corporation para makapag-operate ng radyo at telebisyon sa Mindanao.
13. Republic Act 11204 – Pinapalawig hanggang sa 25 taon ang prangkisa ng Ermita Electronics Incorporated para makapag-operate ng radio communication systems sa bansa.
14. Republic Act No. 11185 – Batas na layong ituring na satellite campus ng Cebu Technological University ang Cebu City Mountain Extension Campus.
15. Republic Act No. 11186 – Batas na layong gawing isang state university ang Northwest Mindanao State College for Science and Technology sa Misamis Occidental (kikilalanin na siyang University of Northwestern Mindanao)
16. Republic Act No. 11187 – Batas na layong gawing Zamboanga Polytechnic State University ang Zamboanga City State Polytechnic College.
17. Republic Act No. 11192 – Itatatag nito ang Cordillera State Institute of Technical Education
18. Republic Act 11209 – Papalitan ang pangalan ng Lupon School of Fisheries sa Davao Oriental bilang Davao Oriental Polytechnic Institute.
19. Republic Act 11216 – Batas na nagdedeklara sa September 3 kada taon bilang special working holiday sa bansa bilang pag-alala sa pagsuko ng Japanese imperial forces na pinangunahan ni General Tomoyuki Yamashita.
20. Republic Act 11217 – Nagdedeklara sa January 17 ng kada taon bilang James Leonard Tagle Gordon Day, isang special non-working holiday sa Olongapo City at Subic Bay Freeport Zone.