Mananatili sa lockdown ang nasa 20 barangay sa Cebu City kahit bawiin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, hindi aalisin ang lockdown sa mga barangay hangga’t hindi napapababa ang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Maiiwasan din nito ang pagkalat ng sakit sa iba pang lugar sa lungsod na hindi naka-lockdown.
Sa loob ng lockdown, sinabi ni Cimatu na ang mga punong barangay ang magsisilbing “in-charge.”
Nakikita rin ng kalihim na sumusunod na ang mga Cebuano sa minimum health standards na inilatag ng Pamahalaan.
Hinahamon din ni Cimatu ang mga Cebuano na tapusin na ang ECQ sa lungsod.
Pinuri din niya ang barangay isolation facilities dahil sa maraming gumagaling na pasyente.
Matatandaang pinagsabihan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-Cebu na sumunod sa health protocols ng Pamahalaan.