20 MUNISIPALIDAD SA PANGASINAN, COVID-19 FREE NA

98

LINGAYEN, PANGASINAN – Wala ng aktibong kaso ng COVID-19 ang dalawampung lugar o munisipalidad sa Pangasinan, ayon sa tala ng Provincial Health Office.

Kinabibilangan ito ng Agno, Aguilar, Alaminos City, Balungao, Bautista, Binalonan, Bolinao, Dasol, Infanta, Labrador, Laoac, Mabini, Mapandan, Rosales, San Fabian, San Jacinto, Sual, Urbiztondo, Urdaneta City at Villasis.

Ang Pangasinan ay mayroon na lamang 72 na aktibong kaso mula sa 29 na bayan at siyudad. Sa kabuuan mayroon ng 35, 480 kaso ng COVID-19 ang probinsiya.


Nasa PHO Watchlist ang bayan ng Malasiqui na mayroong walong kaso, anim sa Bayambang at Sta. Barbara,lima sa Bugallon at San Quintin, apat na kaso sa Binmaley. | ifmnews

Facebook Comments