Mga Bagong Tinamaan ng COVID-19 sa Region 2, Higit 50 na Lamang

20

Cauayan City, Isabela- Nasa mahigit 50 na lamang ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos.

Batay sa datos ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development as of December 3, 2021, nakapagtala lamang ng 56 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang rehiyon.

Mayroon din 85 na naitalang bagong gumaling at tatlong (3) namatay.


Umaabot na ngayon sa 136,254 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan ang 696 na bilang ay mga aktibong kaso sa rehiyon.

Facebook Comments