Maaari nang gamitin ng mga Lokal na Pamahalaan ang kanilang 20% Development Fund para sa implementasyon ng mga hakbang laban sa COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Ito ay alinsunod sa joint memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government at ng Department of Budget and Management.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layunin nito na mapalitan ang nauubos na pondo ng mga LGUs na umaalalay sa kanilang mga kababayan habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
Ang 20% Development Fund ay nanggagaling sa taunang Internal Revenue Allotment ng mga LGUs.
Ang orihinal na gamit ng naturang pondo ay pang-tustos sa mga proyekto na may kaugnayan sa Social at Economic Development at Environmental Management sa antas lokal.
Sa inilabas na circular, maaaring gastusin ng mga Local Governments ang Development Fund sa pagbili ng Personal Protective Equipment (PPE), hospital equipment supplies at testing kits equipment.
Dito rin huhugutin ang pambili ng disinfectants, sprayers, at disinfection tents.
Pambili rin ito ng food items, sa transportation expenses at sa, accommodations ng mga medical at LGU personnel na humaharap sa banta ng COVID-19.