Cauayan City, Isabela-Sumailalim sa pagsasanay ng TESDA-Isabela sa pamamagitan ng Provincial Training Center (PTC) ang dalawampung (20) drug reformists mula sa Cauayan City, Isabela.
Sinanay ang mga ito sa Organic Agriculture Production NC II.
Ang pagsasanay na ipinatutupad sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng ahensya ay nagsimula noong Abril 6, 2022 na ginanap sa Barangay Alicaocao Community Center sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Provincial Director Vilma Cabrera na ang pagsasanay ay isa sa maraming interbensyon na ginagawa ng TESDA upang mapataas ang kakayahan ng mga kliyente sa lahat ng sektor ng lipunan sa pamamagitan ng TESDA Abot Lahat Guiding Principle.
Sumailalim din ang mga drug reformist sa Training Induction Program (TIP) na isinagawa ng PTC-Isabela administrator.
Facebook Comments