GENERAL SANTOS CITY – mas pinaigting ngayon ng BJMP ang seguridad ng Gensan City Reformatory Center ito’y matapos na inilipat ng North Cotabato District Jail ang kanilang mga high profile inmates dito sa Gensan.
Dinagdagan ang mga bantay ng Gensan City Reformatory Center para masigurong hindi mapasok ng grupo na gustong mag rescue ng mga high profile Inmate na dating nakakulong sa North Cotabato District Jail.
Napag-alaman na noong Martes, August 1, nagsagawa ng Greyhound Operation ang mga kawani ng PDEA Regional Office-12, North Cotabato Police Office at ng mga sundalo sa North Cotabato District Jail matapos nakatanggap ng Report ang otoridad na planong i-rescue ang ilang mga high-profile inmate doon.
Narecover ng otoridad ang mga pointed weapon, Cellphones at mga IED Components na pinaghihinalaang gagamitin umano sa pagrescue ng mga preso. kinumperma naman ni Jail Chief Inspector Jesus Singson na 20 high profile inmate ng North Cotabato Jail ang nasa kanilang kustudiya ngayon.
Ang mga inmates na inilipat ay kinilala na sina Abdulgani Abas alias Abas Abdulgani Malang, Larry Antelino, Jackmoro Bacana, Sanny Bacana, Nolia Badol, Celso Batoy, Molis Tashin alias Cmndr Kule Mamagong, Daud Milo alias Rahim Daud Manampan, Tonot Sandek alias Tonto Sandek Usman, Palao Amerol, Badrodin Abid, Lahmodin Ampuan, Joharie Anding Boisan, Arnold Macabuat Gonsang, Badrodin Macabuat Gonsang, Nasser Macabuat Gonsang, Jumar Sumen Diarog, Arcega Rajamuda Talib, Rudy Embodo Antiola at Nasser Suliek Karim.