20 JETMATIC WATER PUMPS, HANDOG SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG MANGALDAN

Dalawampu’t jetmatic water pumps pa ang naipamahagi sa ilang barangay sa bayan ng Mangaldan.
Nasa isang daan at siyamnapu’t dalawa ang naging benepisyaryo ng nasabing water pump na mula sa Barangay Macayug, Inlambo, Navaluan, at Macayug ng nasabing bayan.
Tiniyak naman ng lokal ng pamahalaan ng Mangaldan na natanggap ito ng mga kabilang sa prescreened recipients.

Layunin ng mga naipamahaging pumps na pahusayin pa ang hindi nagagamit na community-based na mga water pump sa mga rural at urban na lugar na walang access sa piped na tubig.
Samantala, animnapu’t jetmatic water pumps na ang kabuuan ng naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa labindalawang barangay nito. |ifmnews
Facebook Comments