IRRIGATION SYSTEM PARA SA BAYAN NG MANGATAREM AT AGUILAR, PINAG-AARALAN NA

Pinag-aaralan na ang irrigation system para sa bayan ng Mangatarem at Aguilar ni District II Congressman Cojuangco katuwang ang ilang kawani sa ahensya ng National Irrigation Administration – Region Office 1.
Iminungkahi ang pag-implementa ng mga radial gates para sa mga gagawing daluyan, na siyang magpapaayos ng flow at distribusyon ng tubig.
Layunin naman ng nasabing panukala na mas mapaigting at mapayabong pa ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na daluyan at suplay ng tubig sa dalawang bayan.

Inaasahan naman na patuloy itong pag-aaralan at tututukan para mapaunlad ang agriculture sector sa bayan ng Aguilar at Mangatarem. |ifmnews
Facebook Comments