Manila, Philippines – Umabot sa 20 katao ang naaresto ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang gilid ng riles at ilang residential area sa Muntinlupa City.
Bitbit ang search warrant ay agad na hinalughog ang mga bahay na pinamumugaran ng mga lulong sa ilegal na droga.
Ayon kay PDEA National Capital Region (NCR) Director, Wilkins Villanueva – mismong lokal na pamahalaan ang nakipag-ugnayan sa kanila para ikasa ang raid.
Dagdag pa ni Villanueva – talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa lugar.
Nahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.
Facebook Comments