20 KATAO TIMBOG SA PAGSUSUGAL SA BAYAN NG STA. MARIA

23

STA. MARIA – Arestado ang dalawampung katao sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling na kampanya ng mga kapulisan sa bayan.

Unang naaresto ang labing isang kababaihan na pawang mga residente ng brgy. San pablo sa nasabing bayan na naaktuhang naglalaro ng tong-its at forty-one.


Samantala, siyam na kalalakihan naman ang naaresto din ng kapulisan matapos naaktuhang naglalaro ng lucky 9 kung saan dalawa sa mga ito ay mula pa sa bayan ng Tayug.

Sa ngayon, pansamantalang nakalaya ang dalawampung katao matapos makapagpiyansa ng tig-sampung libong piso.

Facebook Comments