DEMAND GENERATION AT VACCINATION ADVOCACY UKOL SA COVID-19 NG AGNO, NAGPAPATULOY NA UMIKOT SA BARANGAYS NG BAYAN

14

AGNO, PANGASINAN – Patuloy ang ginagawang Demand Generation at Vaccination Advocacy ng Agno Rural Health Unit upang maunawaan ng mga kababayang kabilang sa Priority Groups ang kahalagahan na sila ay mabakunahan kontra COVID-19.

Umikot sa mga barangay ang mga RHU Staff upang personal na makausap ang mga kababayan Senior Citizens tungkol sa Vaccination.


Iminungkahi din ng mga frontliners ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga miyembro ng Liga ng mga Barangay na kinabibilangang ng mga Punong Barangay at Brgy. Secretaries.

Nagbigay din sila ng update hinggil sa kaso ng Dengue, Family Planning at ang estado ng Blood Donation Program.

Ipinaalala din sa may edad na 18-59 taong gulang na may comorbidities na magpalista sa Rural Health Unit o sa kahit sinong RHU Staff upang maisama sa listahan ng mga magpapabakuna.

Facebook Comments