20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P136 million, nakumpiska ng PDEG sa tatlong suspek sa Pasig City

Aabot sa 20 kilo ng shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa tatlong drug suspek sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa 290-3 Westbank Road, Maybunga, Pasig City pasado alas-7:00 ng Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni PDEG Director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., ang mga suspek ay sina Joel Narido 39-anyos, residente ng 290-3 Westbank Road, Maybunga, Pasig City, Maria Teresa Concil, 35-anyos, residente ng San Andres Bukid, Manila at Ronald Solomon, 41-anyos residente rin ng San Andres Bukid, Manila.

Nakalagay ang 20 kilong shabu sa 20 pack na nakaselyado sa transparent plastic at ibinalot pa sa Guanyinwang Chinese tea bag.


Ang 20 kilos ng shabu ay may Dangerous Drug Board Value na P136 million.

Sa ngayon, nahaharap na ang tatlo sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments