20-M dolyar na tulong para sa Amazon wildfire, tinanggihan

155

Nanindigan ang Brazil sa global powers o iba pang makapangyarihang bansa sa mundo na tatanggihan nila ang 20 million dollars na foreign aid na makakatulong sana sa malawakang wildfire sa Amazon.

Ang foreign aid ay pledge money mula sa G7 Summit sa France.


Ayon kay Brazilian President Jair Bolsonaro – tatanggapin lamang niya ang offer kapag binawi ni French President Emmanuel Marcon ang kanyang mga insulto laban sa kanya.

Matatandaang tinawag na sinungaling ni Macron si Bolsonaro tungkol sa climate commitments nito.

Facebook Comments