20-M Halaga ng Imprastraktura, Itatayo na sa Insurgency-Cleared Barangay sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ang pagpapatayo ng mga proyektong pang imprastraktura sa mga barangay na benepisyaryo ng 20 Million pesos sa probinsya ng Cagayan sa ilalim pa rin ng Support to Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa pamamagitan ng nasabing programa, maitatayo na ang mga health stations at maipagagawa na rin ang farm-to-market road partikular sa Barangay Anurturu, Liuan, at Minanga sa bayan ng Rizal.

Magkakaroon din ng farm-to-market road, solar dryer, upgrading of water system at livelihood shelter ang mga residente sa mga barangay ng Apayao at Villa Reyno sa bayan ng Piat habang Water system at farm-to-market road naman ang napagdesisyunang ipagawa ng mga residente sa barangay Balanni, Sto. Niño.


Una nang isinagawa ang ground breaking ceremony noong ika-08 hanggang ika-09 ng Nobyembre taong kasalukuyan sa mga nabanggit na bayan.

Nagkaroon din ng Signing of Pledge of Commitment ang ibat-ibang ahensiya bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan para mapangalagaan at maprotektahan ang proyektong ibinigay ng pamahalaan sa kanilang lugar at mapakinabangan ng mga mamamayan at ng mga susunod pang henerasyon.

Ayon naman kay LtCol Angelo C. Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB, sinabi nito na malapit nang mapakinabangan ng mga residente ang mga proyektong inilaan para sa kanilang komunidad.

Facebook Comments