20 million halaga ng homecare kits contra COVID-19, ipamamahagi sa LGU ng NCR ayon sa MMDA

Mabibigyan lahat ng homecare kits contra COVID-19 ang 17 lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR).

Ito ang tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Atty. Don Artes.

Aniya pantay-pantay ang pag-distribute ng nasabing homecare kits sa bawat lokal na pamahalaan ng NCR at ito ay ibabatay sa kani-kanilang populasyon kung saan meron itong kategorya na small, medium at large.


Mas malaki aniya ang populasyon mas marami ng homecare kits ang matatanggap.

Sa Pasay City aniya nasa 3,000 ang matatanggap na homecare kits.

Matatandaan, nitong nakaraang araw nag-donate ang Pitmaster Foundation ng 20 milyong halaga ng homecare kits sa NCR, kung saan si Pasay City Mayor Emi Calixio-Rubiano ang tumanggap ng nasabing donasyon at kumatawan sa mga alkalde ng NCR.

Facebook Comments