Turn-out ng bakunahan sa PITX ng Mobile Vaccine drive, mababa

75

Hindi naabot ang target na bilang na mabakunahan sa ginagawang mobile vaccination drive sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ayon kay Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX, 1,061 lang ang kanilang nabakunahan kontra COVID-19 sa loob ng isang, kung saan karamihan sa nagpabakuna mga mananakay ng PITX na nagpaturok ng booster shots.

Mababa ito kompara sa 2,500 na target na bilang mabakunahan mula January 24 hanggang ngayon araw.


Nakikitang dahila ni Salvador, karamihan anya sa mga empleyado ng PITX at Ilang mga mananakay nila ay mga bakunado na.

Ngayong araw ang huling araw ng mobile vaccination drive sa PITX.

Ang nasabing hakbang ay inisyatibo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, katuwang ang Department of Transportation o DOTr at PITX.



Facebook Comments