Target ng Department of Agriculture (DA) na makamit ang 20.48 million metric tons ng produksyon ng palay para sa taong 2021.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan na anim na bahagyang mataas ito kumpara sa 19.44 million metric tons na nakamit noong 2020.
Ani Cayanan, ang kanilang target production sa first quarter ng 2021 ay nasa 4.89 million metric tons.
Para makamit ang target, palalawakin aniya ngayon ang mga lugar na tatamnan ng inbred rice at aayudahan naman sa ilalim ng P10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Kabilang sa mga ayuda ay ang distribusyon ng binhing palay, loan programs at training para sa mga rice farmers.
Gagamit na rin ng makabagong tekonolohiya upang makatugon ang agriculture sector sa epekto ng climate change.