3 mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng tinatayang 20 milyong piso, nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port.
Ang shipment ng mga nasabing luxury cars ay una nang dineklarang mga piyesa ng used truck mula sa Japan na nakatakda sanag i-deliver sa consignee na JLFDM Consumer Goods Trading.
Ang nasabing impormasyon ang naging dahilan para naman maglabas ng alert order sa nasabing shipment.
Sa eksaminasyon, kabilang sa mga nadiskubre ay isang (1) unit Ferrari F430 Scuderia;(1) Unit Mercedes Benz SLK 55 AMG; at (1) Mercedes Benz E220.
Naglabas na rin ng warrant seizure and detention laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act (RA) 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).