20 miyembro ng Maute ISIS, patay sa panibagong sagupaan sa Marawi City

Manila, Philippines – Panibagong dalawampung miyembro ng Maute ISIS group ang nasawi sa muling pagsiklab ng gulo sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla.

Aniya unang nasawi kagabi sa matinding bakbakan ang 13 miyembro ng Maute habang kaninang umaga nasawi ang pito pang terorista.


Sa matinding sagupaan naman mula kagabi hanggang kanina anim na sundalo naman ang sugatan.

Inaalam na rin ngayon ng militar kung kasama sa 13 terorista na napatay ang malaysian terrorist na si Dr Ahmad Mammud na tumatayong financier ng Maute ISIS group.

Nailigtas naman ang mag ina na bihag ng Maute ISIS group.

Sa ngayon patuloy ang operasyon ng militar sa lugar upang tuluyan ng matapos ang giyera sa lungsod.

Facebook Comments