PDP Laban at pinakamalaking partido sa Russia, lumagda sa isang memorandum of agreement

Manila, Philippines – Lumagda si Senate President at PDP Laban President Koko Pimentel at ang partido United Russia sa isang Memorandum of Understanding.

Ang United Russia ay ang ruling party ng Russian Federation at kabilang sa mga namumuno rito ay si Russian President Vladimir Putin.

Para kay Pimentel, ito ay makasaysayan dahil lalo nitong pinaglapit ang relasyon ng kanilang mga partido, at ang ugnayan sa pagitan ng pilipinas at bansang Russia.


Si pimentel ay kasalukuyang nasa St. Petersburg para sa 137th International Parliamentary Union Assembly.

Idinagdag pa ni Pimentel na kasama sa layunin ng PDP Laban ay ang pag-iibayo sa diplomatic ties sa mga nangungunang partido sa ibat-ibang bansa na kanilang kaisa sa pagsusulong ng pagbabago para sa kapakanan ng mamamayan..

Facebook Comments