Una rito, nagsasagawa ng combat operation ang militar laban sa mga tumatakas na Communist NPA Terrorists (CNTs) kung saan agad umano silang pinaputukan ng nasabing bilang ng rebelde sa ilalim ng pamumuno ni alyas ‘Bon’.
Dahil ditto, gumanti ng putok ng baril ang tropa ng kasundaluhan na naging sanhi ng pagtakbo ng mga kalaban patungo sa hilagang silangan.
Makalipas ang sagupaan, narekober ng kasundaluhan sa encounter site ang ilang bala ng ng 7.62mm & 5.56mm at mga personal na gamit ng CNTs.
Ayon kay LtC Magtangol C Panopio, 77IB Battalion Commander, maswerteng walang nasawi sa panig ng pamahalaan habang patuloy na inaalam ang kalagayan ng mga rebelde makalipas ang engkwentro.
Binalaan naman ng opisyal ang mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na hindi sila titigil hangga’t hindi nila tuluyang nalipol ang insurgency sa kanilang area of operation.
Matatandaan na noong May 11, 2022 ng mapalaban rin ang militar sa mga rebelde partikular sa Sitio Sacat, Barangay Asinga Via sa nasabing bayan.