Higit 88% ng mga COC para sa presidential at VP race, naipadala na sa Senado

57

Mahigit 88 percent ng lahat ng certificates of canvass (COCs) na naglalaman ng boto para sa pagkapangulo at bise presidente ang naipadala na sa Senado.

Ayon sa Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB), natanggap na nila ang 153 o 88.44 porsiyento ng kabuuang 173 COC ngayong araw.

Ang mga COC na ipinadala sa Senado ay mula sa Sulu, United States, at Australia.


Nakatakdang ilipat ng Senado ang mga COC at election returns (ERs) sa House of Representatives sa madaling araw ng Mayo 23.

Habang sa Mayo 24 naman sisimulan ng Kongreso na nag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang pag-canvas ng mga boto sa pagkapangulo at at bise presidente.

Facebook Comments