20% ng mga populasyon sa Pilipinas, target ng WHO na mabakunahan kontra COVID ngayong taong ito

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na 9.2 million na mga bakuna kontra COVID-19 ang darating sa bansa ngayong taon na ito.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, target ng WHO na mabakunahan ang 20% ng populasyon sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.

Aniya, sa ngayon ay limitado pa ang manufacturing capacity ng vaccine manufacturers pero sa mga susunod na buwan, tiyak aniya na magkakaroon ng mass production ng COVID vaccines.


Kinumpirma rin ni Dr. Abeyasinghe na nakumpleto na ng Pilipinas ang lahat ng requirements na hinihingi ng AstraZeneca para sa 5 million doses ng bakuna.

Nilinaw rin ni Dr. Abeyasinghe na walang kinalaman sa naging kontrobersiya sa Dengvaxia anti-Dengue vaccine ang paghingi ng vaccine manufacturers sa mga bansang tatanggap ng bakuna ng indemnification agreements.

Aniya, ang naturang kasunduan ay kasama sa requirements at standards ng lahat ng manufacturers ng COVID vaccines bilang proteksyon nila sakaling magkaroon ng adverse events sa mga tatanggap ng bakuna.

Kinumpirma rin ng WHO representative na patuloy pa nilang ini-evaluate ang aplikasyon ng Sinopharm para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinovac vaccine.

Aniya, sa Marso pa nila inaasahan na makukumpleto ang kanilang evaluation.

Facebook Comments