20 Pasyente, Nananatiling Positibo sa COVID-19 na binabantayan sa isang ospital sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Nananatili nalang sa 20 katao ang binabantayan ngayon ng Cagayan Valley Medical Center dahil sa positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Chief, bumaba na ang kumpirmadong kaso na kanilang binabantayan na dating nasa 34 katao habang nananatili rin ang limang (5) suspected cases mula sa Cagayan at Isabela.

Batay sa datos ng CVMC, binabantayan nila ang nasa 13 katao mula sa Tuguegarao City; 1 Penablañca; 1 Tuao; 1 Baggao habang sa Isabela naman ay 1 sa Cabatuan; 1 Gamu at 1 sa Lungsod ng Cauayan na pinakahuling admitted sa isolation room ng ospital, kasama rin ang 1 pasyente mula sa Tanudan, Kalinga.


Samantala, nagnegatibo na sa resulta ng swab test ang isang non-uniformed personnel ng Tuguegarao City Police Station matapos itong maitala na nakahawa sa kanyang iba pang mga kasamahan na unipormadong pulis.

Tiniyak naman ng ospital ang kanilang tuloy-tuloy na pagbabantay para masigurong ligtas sila sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments