20 PESOS NA MINIMUM FARE SA POBLACION, CAUAYAN CITY, MANANATILI

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang mananatili ang 20 pesos na minimum fare sa bawat isang pasahero sa Poblacion ng Lungsod ng Cauayan kahit bumaba na sa Alert Level 2 ang Status ng Isabela.

Ito ang nilinaw ni POSD Chief Pilarito Mallillin sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya kasunod ito ng pagkalito ng ilan sa mga mananakay at traysikel drivers sa inilabas na Executive Order ng pamahalaang Panlungsod ng Cauayan kaugnay sa mga guidelines sa ilalim ng alert level 2 tulad sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan dito sa Lungsod.

Ayon kay POSD Chief Mallillin, dalawampung piso pa rin ang minimum fare sa Poblacion, Cauayan at isang pasahero lamang ang pwedeng isakay sa traysikel.

Ganun din aniya ang ipinatutupad na number coding scheme para sa mga traysikel operators and drivers ay hindi rin inalis sa pagbaba ng alert level ng Cauayan.

Nilinaw naman ni Mallillin na exempted o hindi kasali sa number Coding scheme ang mga private vehicles.

Samantala, pag-uusapan pa sa konseho ang suhestiyon ng mga traysikel drivers na dagdag pamasahe sa Cauayan City na mula sa 13 pesos na minimum fare sa Poblacion ay gawin na sana itong 15 pesos dahil na rin sa mataas na presyo ng gasolina.

At kung anuman ang magiging resulta sa gagawing session at magiging desisyon ng konseho sa apela ng mga traysikel drivers ay iyon na ang ipatutupad dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments