5 miyembro ng PAG sa Maguindanao, patay matapos makipag-engkwentro sa tropa ng gobyerno

Nasawi sa pakikipagbarilan sa mga tropa ng 40th Infantry Battalion at Civilian Active Auxiliary (CAA) ang 5 miyembro ng Private Armed Group (PAG) sa Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., naglatag ng checkpoint ang mga tropa ng 40IB kasunod ng robbery hold-up incident sa isang convenience store sa Barangay Kauran ng nasabing munisipyo.

Habang nagsasagawa ng checkpoint operations sa Kauran Patrol Base, nakaenkwentro ang mga armadong suspek na sakay ng isang mini van.


Matapos ang 5 minutong palitan ng putok, narekober ng mga tropa sa pinangyarihan ng insidente ang mga labi ng 5 suspek at 2 .45 cal. pistol.

Siniguro naman ni Lt. Gen. Rosario na walang humpay ang kanilang kampanya laban sa mga Private Armed Groups (PAG) at lawless elements para matiyak ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Facebook Comments