20 PEST RISK IDENTIFICATION MANAGEMENT SITE NG BAYAMBANG, BINISITA NG AGRICULTURE SECTOR BILANG BAHAGI NG PREVENTION PROGRAM

BAYAMBANG, PANGASINAN – Nag-ikot muli ang Municipal Agriculture Office ng Bayambang upang magmonitor sa dalawampung (20) na barangay na kabilang sa Pest Risk identification Management (PRIME) site.

Ang naturang proyekto ay base sa inisyatibo ng Philippine Rice Research Institute at Department of Agriculture Regional Field Office-1 sa pakikipagtulungan sa LGU-Bayambang.

Ang pag-iikot na ito ay naglalayong matukoy ang mga pesteng umaatake sa palay at upang magkaroon ng kahandaan at mga makabagong istratehiya sa pagsugpo ng mga mapaminsalang sakit at insekto.

Mababatid na noong unang kwarter ng taong 2021 ay idineklara sa bayan ang State of Calamity sa animnaput anim (66) na Farming Barangays dahil sa Armyworm Infestation o ang pag atake ng harabas sa taniman ng sibuyas na umabot sa 1,478.247 ektarya na ng taniman ng sibuyas ang nasira ng peste o kabuuang 99% ng total areas na taniman, na nakaapekto sa hanapbuhay ng 1,484 na magsasaka na nagresulta sa malaking pagkalugi.| ifmnews

Facebook Comments