20 sugatan sa salpukan ng jeep at bus sa Negros Occidental

Negros Occidental – Sugatan ang dalawampung pasahero matapos magsalpukan ang pampasaherong jeep at bus sa Barangay Calumanggan, Negros Occidental.

Ayon kay Inspector Leonel Adolacion ng Bago City police, pumarada sa gilid ng daan ang jeep para magbaba ng mga pasahero nang masapul ito ng bus.

Aniya, maayos naman ang pagparada ng jeep pero sadyang mabilis lang ang takbo ng bus.


Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang driver ng dalawang sasakyan habang hindi pa sila nagkaka-areglo.

Facebook Comments